^

Police Metro

Audit report sa Makati parking issue ‘kuryente’ - COA

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa natatapos ang special audit sa umano’y overpriced na pagpapatayo ng kontrobersiyal na Par­king Building II ng Makati City Hall.

Ito ang nilinaw kamakalawa ni Commission on Audit (CAO) Public Information Office, Director Jonathan Beltran na lubhang napakaaga ng lumabas na ulat sa isang pahayagan na nagsasaad sa umano sa resulta ng imbestigasyon ng ahensiya.

Anya, confidential pa ang paunang resulta ng imbestigasyon ng special audit team at ang finding ng COA na iniulat sa pahayagan ay wala pang komento ng kinauukulang mga opisyal at bilang bahagi ng audit process ay dapat isama ang comments sa final audit report.

Batay sa lumabas sa pahayagan ay hindi ito nagbigay ng mga detalye sa COA findings kung kelan ito inilabas at kung kasama rito ang komento ng nakataas sa COA.

Ayon sa kampo ni Vice President Jejomar Binay na ang nasabing ulat ay one-side umano na nakakasira laban kay Binay dahil wala pa namang opisyal na kopya na inilalabas ang pamunuan ng COA.

Idiniin pa ng kampo ni Binay na ang Makati Building 2 Project ay idadaan pa sa 11 COA audits, kabilang dito ang mga eksperto ng technical audit.

Wala pa sa kasalukuyan na lumabas na resulta ng COA na may overpricing at ito ay pakana lamang ng mga kalaban sa pulitika ni Binay na nais buhayin ang isyu.

ACIRC

ANG

ANYA

AUDIT

AYON

BINAY

DIRECTOR JONATHAN BELTRAN

MAKATI BUILDING

MAKATI CITY HALL

PUBLIC INFORMATION OFFICE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with