Helper na tulog tinodas sa punerarya
MANILA, Philippines – Hindi na nagising pa ang isang 36-anyos na lalaki nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki habang natutulog sa loob ng compound ng Funeraria Cruz, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Ang biktima na tadtad ng tama sa dibdib at itaas na bahagi ng katawan ay kinilalang si Divino Jimenez, residente ng no. 2643 Lico St., Tondo, Maynila, helper/caretaker ng R. De Castro Funeral Homes.
Sa imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang lalaki ang compound ng nasabing punerarya.
Apat na kasamahan sa trabaho ang kasamang natutulog kabilang ang kaniyang ka-live in na si Vanessa nang barilin ang biktima.
Ayon kay Vanesa na nagising siya sa sunod-sunod na putok ng baril at nang dumilat ay nakita niya ang duguang biktima habang tumatakas ang dalawang lalaki na nakasuot ng puting damit at tumakas sakay ng tricycle.
Sinabi ni Vanessa sa pulisya na may nasaksak ang biktima kamakailan dahil sa pagtatanggol sa anak nito na maaaring iyon ang suspek.
- Latest