Pagawaan ng pekeng plaka ni-raid ng NBI

MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang pagawaan ng pekeng plaka ng sasakyan at naaresto ang umano’y utak sa paggawa at pagbebenta kahapon ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng NBI ay kinila­lang si George Mendioro, residente ng Batangas St., kanto ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo.

Batay sa ulat, dakong alas-12:55 ng hapon nang salakayin ng NBI-Anti-Organized Transnational Crime Division ang bahay ng suspek sa  Batangas St., at nasamsam ang  mga metal na ang iba ay may nakatatak ng numero o kumpleto na para gamiting plaka ng sasakyan habang ang ibang metal plate ay blangko pa.

Sinisingil ni Mendioro ng P350.00 isa ang sinumang nais magpagawa ng plaka sa kanya.

Show comments