^

Police Metro

Pinoy worker sa Taiwan inatado ng kabaro

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawamput walong saksak sa katawan ang tinamo ng isang overseas Filipino worker (OFW) buhat sa nakaaway nitong kababayan na tumakas pauwi ng Pilipinas.

Batay sa ulat ng Manila Economic Office (MECO)-Taiwan, ang biktima ay kinilalang si Edmar de Guzman, 22-anyos habang ang suspek na tumakas pauwi ng Pilipinas ay si Guillmar Perez Cumpa, 31; pawang manggagawa ng Jedegal Manpower.

Himalang nabuhay si Guzman na naratay sa pagamutan sa Taiwan.

Nakikipag-ugnayan na ang MECO-Taiwan sa mga otoridad at sa Pilipinas upang matunton si Cumpa matapos na palihim na umuwi sa Pilipinas noong Nobyembre 4, 2015 lulan ng Philippine Arilines flight patungong Manila.

Naganap ang insidente nang magkaroon ng “barbecue party” ang mga manggagawa ng Jedegal Manpower habang kasagsagan ng mid autumn festival sa Taiwan noong Setyembre 19, 2015 na kung saan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina de Guzman at Cumpa na kapwa na mga lasing hanggang sa maghamon ng suntukan.

Hindi tinanggap ni Cumpa ang hamon ni De Guzman hanggang sa pumunta na lamang ang huli sa kanyang kuwarto upang magpahinga dahil sa kalasingan.

Dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay ginising ni Cumpa si De Guzman at sinabing tinatanggap na ang hamon na kung saan dito na bumunot ng patalim ang una at pinagsasaksak ang huli.

vuukle comment

ANG

BATAY

CUMPA

DAKONG

DE GUZMAN

GUILLMAR PEREZ CUMPA

GUZMAN

JEDEGAL MANPOWER

MANILA ECONOMIC OFFICE

PHILIPPINE ARILINES

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with