Misis tinodas, mister nag-suicide

MANILA, Philippines – Pinatay muna ng isang mister ang kanyang misis nang kanya itong pagbabarilin pagkatapos ay nagbaril naman ito sa sarili naganap kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bayawas, Pilar, Sorsogon.

Ang nasawing ginang  ay kinilalang si Loreta Loberio, 57 na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Habang patay din ang suspek na si Alejandre Loberio, 55 nang magbaril sa sarili.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga ay walang kaabog-abog na pinagbabaril ng mister ang misis nito at nang makasigurong wala na itong buhay ay nagbaril ito sa kaniyang sarili.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na may mabigat umanong problema sa kanilang relasyon ang mag-asawa na siyang hinihinalang motibo ng malagim na krimen.

 

Show comments