^

Police Metro

Amazing Pinay Challenge inilunsad ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilunsad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang isang patimpalak na Amazing Pinay Challenge na daan para makilala ang mga talento ng mga kababaihan at kabataan sa Quezon City.

Ang Amazing Pinay Challenge ay pangunahing itinataguyod ng Womens group na Gabriela  bilang bahagi ng  implementasyon ng Magna Carta of Women at young women gayundin ng Women and Children Protection Center ng PNP.

Ang Challenge ay itinataguyod din sa Maynila, Caloocan, Antipolo, Dasmariñas, Bacoor, Naga, Legaspi, San Jose del Monte, Angeles, Batangas, Cebu, Bacolod, IloIlo, Davao, General Santos City at Cagayan de Oro.

Sa Amazing Pinay Challenge sa QC , ang mga talented  young women at  mga kabataan na may edad mula 18 anyos hanggang 34 anyos  ay maaaring sumali at ipakita ang anumang talento sa pagkanta, pagsayaw, drama, play o combinations.

Dapat silang  makapasa sa barangay o district level screening auditions, nakadalo sa mandatory VAW at womens rights education festival.

Ang bahagi ng panalo  ay ilalaan sa LGU charity at sa VAW victims support program ng Gabriela.

Ang finals ay gagawin sa  Enero  31,2016. Lahat ng sumali ay tatanggap ng Amazing Pinay Challenge trophy at ang 1st place ay P25,000,2nd place P10,000 at P5,000 3rd place.

 

AMAZING PINAY CHALLENGE

ANG

ANG AMAZING PINAY CHALLENGE

ANG CHALLENGE

GABRIELA

GENERAL SANTOS CITY

MAGNA CARTA OF WOMEN

NBSP

QUEZON CITY

SA AMAZING PINAY CHALLENGE

SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with