^

Police Metro

2 sundalo todas sa NPA ambush, dala na P1.8-M tinangay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang sundalo habang tatlo pa ang nasugatan sa isang ambush makaraang masa­bugan sila ng landmine ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bulubunduking bahagi ng Catbalogan City, Samar kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:40 ng gabi, kasalukuyang bumabagtas ang KM 450 military truck na sinasakyan ng mga sundalo nang sumabog ang landmine na itinanim sa highway ng mga rebelde at saka pinaulanan ng mga bala  sa bahagi ng  national highway ng Brgy. Lagundi ng lungsod.

Sa palitan ng putukan ay napuruhan at nasawi noon din ang dalawang enlisted personnel (EP) na kinilalang sina Corporal Chelito Edera at Corporal Joe Campos habang sugatan naman sina 1st Lt. Cherwin Lapura, Pfc. Rey Calabroso at Pfc Jack Macatantan.

Nabatid na pabalik na ang mga sundalo sa kanilang batalyon dala ang P1.8 milyon subsistence allowance nang mangyari ang ambush.

Nagsagawa ng hot pursuit operations ang tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pananambang at pagtangay ng subsistence allowance ng tropa ng pamahalaan.

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CATBALOGAN CITY

CHERWIN LAPURA

CORPORAL CHELITO EDERA

CORPORAL JOE CAMPOS

NEW PEOPLE

PFC JACK MACATANTAN

REY CALABROSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with