Tsinoy trader dedo sa riding in tandem

MANILA, Philippines – Isang negosyanteng Filipino-Chinese na may-ari ng isang hardware store ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin na sakay ng isang motorsiklo kahapon sa Zamboanga City.

Namatay habang dinadala sa ospital ang biktima na kinilalang si Philip Jacinto Lim, may-ari ng Unicon Enterprises dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabaybay ang kahabaan ng Campaner St., patungo sa kanyang  tindahan.

Pagsapit sa kanto ng Budget Wise Supermarket nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Malaki ang hinala ng pulisya na pag-alis pa lamang ng biktima sa kanyang bahay ay sinundan na ito ng mga suspek.

Show comments