Duterte humataw sa survey

MANILA, Philippines – Humataw sa lumabas na Pulse Asia survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte habang nangulelat naman ang pambato ng Malacañang na si Mar Roxas.

Subalit, dinedma lang ito ng Malacañang at inihayag ni Presidential Spokesperson EdwinLacierda na nakatutok ang mga kandidato ng administrasyon sa mga plataporma at hindi sa personalidad o popularidad.

Lumabas sa survey, nangunguna si Duterte na nakakuha ng 34%; ikalawa si Senadora Grace Poe na may 26%; ikatlo si Vice-President Jojo Binay na may 21 percent at 11% naman si dating Sec. Mar Roxas.

Isinagawa ang survey sa National Capital Region simula November 11 hanggang November 15, 2015.

Tanong tuloy ni La­cierda kung opisyal ba ang lumabas na Pulse Asia survey dahil hindi pa nito nakikita ang numerong lumabas.

Show comments