Army Corporal nakuryente sa kampo

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang Army Corporal matapos itong aksidenteng makur­yente sa kanilang himpilan sa Brgy. Malasugat, Brgy. Sangali, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Corporal Eduardo Talanayan, 29, tubong Echague, Isabela.

Sa ulat ni Chief Inspector Rogelio Alabata, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-7:30 ng gabi nang makuryente si Talanayan sa kanilang himpilan mula sa live-wire na aksidente nitong nahawakan.

 

Show comments