Snatcher tumalon sa ilog, nalunod

MANILA, Philippines - Bagama’t natakasan ng isang snatcher ang mga humabol na mga tao sa pamamagitan nang pagtalon sa ilog-Pasig ay hindi naman nito natakasan ang kamatayan nang siya ay malunod naganap kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni Pasig City Police chief P/Senior Supt. Jose Hidalgo ang suspek na nasa pagitan ng edad 40-50-anyos, may taas na 5’2” at may tribal tattoo sa kaliwang braso.

Batay sa ulat, bago ang pagatlon ng suspek sa ilog malapit sa Westbank Floodway,  Jenny A­venue, Barangay Rosario ay nanghablot umano ito ng bag ng lalaki sa lugar kaya’t kaagad itong hinabol ng mga bystander.

Sa pagtatangka namang makatakas mula sa mga humahabol sa kanya ay tumalon sa ilog Pasig ngunit minalas na malunod.

 

 

Show comments