Drug pusher nilikida

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang itinuturong drug pusher matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw. Kilala lamang sa alyas Eric ang biktima na nasa 30 hanggang 35-anyos, nakasuot ng short pants at itim na t-shirt.

Sa ulat ni SPO3  Jose Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, walong tama ng bala ng baril sa katawan nang matagpuan ang biktima bandang alas-2:30 ng madaling araw sa bisinidad ng 12th Street sa nasabing lugar.

Narekober ng mga awtoridad ng 7-plastic sachets ng shabu sa bulsa ng biktima at ilan pang plastic na pinaniniwalaang lalagyan din ng shabu.

Naniniwala ang pulisya na may kaugnayan sa iligal na droga na isa sa anggulong sinisilip ay onsehan sa  droga ang motibo ng suspek.

 

Show comments