Mister iniwan ni misis nagbigti

MANILA, Philippines – Hindi umano matanggap ng isang mister ang ginawang pag-iwan sa kanya ng misis kaya’t nagawa nitong wakasan ang sarili sa pamamagitan nang pagbibigti kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Ang biktima ay kinilalang si Jeffrey Chavez, 27, fish vendor, residente ng Centennial 2, Dreamland, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ng bayaw ang biktima na nakabigti sa kisame ng kanyang kuwarto.

Huling nakitang buhay ang biktima nitong Biyernes ng hapon habang naghihinga ng sama ng loob sa kanyang mga kaanak dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ng misis na si Stephanie dahil sa pagiging seloso umano ng biktima na nauwi sa pagtatalo.

Show comments