2-anyos ginilitan ng adik
MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 2-anyos na batang babae na si Precious Midel nang ito ay gilitan sa leeg ng isang lalaki na bangag sa droga na naganap kamakalawa sa Brgy. Vitali, Zamboanga City.
Agad din nadakip ang suspek na si Albert Legaspi, 38, na hawak pa ang duguang itak na ginamit sa krimen ng makorner ng nagrespondeng mga pulis.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-2:00 ng hapon sa Sitio Toctobo, Brgy. Vitali ng lungsod na ito ay pansamantalang iniwan ni Pilar Midel, 75, lola ng biktima upang maglaba sa di kalayuan sa lugar.
Nang bumalik ang matanda ay nabungaran ang suspek habang hawak ang itak na tumutulo pa ang dugo ng kaniyang apo na ginilitan ng nito.
“Ikaw ang isusunod kong matanda ka, halika lumapit ka dito, tingnan natin kung malambot pa ang karne mo”, pagbabanta pa umano ng suspek sa matanda na napilitang tumakbo sa matinding takot at ini-report ang insidente sa pulisya. Nagresponde naman ang mga otoridad kung saan nasakote ang suspek.
- Latest