Saudi road accident... 14 Pinoy workers utas
MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 14 Pinoy workers ang naiulat na nasawi sa naganap na aksidente sa kalsada kamakalawa ng hapon sa Saudi Arabia.
Ito ang natanggap na ulat ni Deparment of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Charles Jose at patuloy pa na kinokontak ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang Human Resource (HR) ng kumpanya upang kumpirmahin kung ilan ang tunay na bilang na sakay na Pinoy workers sa coaster nang maganap ang aksidente.
Batay din sa initial report na may 12 iba pang Pinoy at ang driver na Pakistani ang nasugatan sa aksidente na naganap dakong alas-5:30 ng hapon sa Hofuf, Al-Hassa.
Nabatid na ang coaster, ay minamaneho ng isang Pakistani at sakay ang nasa 26 Filipinos, na karamihan ay mga electricians nang masalpok ng trailer truck ang kanilang sinasakyan.
Ang 26 OFWs ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia Kentz, isang contracting and engineering company.
“Nasa lugar na nang pinangyarihan ng aksidente at ospital ang management ng kumpanya na siyang magbibigay ng opisyal na ulat ng nasabing insidente,” wika ni Jose.
Nabatid sa source na manggagawa ng kumpanya ang mga biktima ay dinala sa King Fahad Hospital.
Inaalam na ng DFA ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
- Latest