B-day boy hindi inimbitahan ang kapitbahay, sinaksak

MANILA, Philippines – Dumanak ang dugo sa isang masayang birthday party matapos na saksakin ang birthday celebrator ng isa niyang kapitbahay na hindi nito inimbitahan kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima na nasa malubhang kalagayan sa Valenzuela City Medical Center ay kinilalang si Albert Radana, 38, binata, obrero, ng No. 805 Ramirez Compound, Brgy. 165 Bagbaguin, ng naturang lungsod.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si alyas “Allan”, residente rin ng lugar.

Batay sa ulat, magdamag na nag-iinuman ang biktima at mga bisita dahil sa kaarawan ng una at dumating ang suspek dakong alas- 6:30 ng umaga at walang sabi-sabing sinaksak ang likuran saka tumakas.

Show comments