Anak ng solon patay sa bike crash
MANILA, Philippines – Patay ang 20-anyos na anak ni Ilocos Norte 1st District Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas Jr. matapos itong maaksidente habang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte kahapon ng umaga.
Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Rodolfo Fariñas Jr. na naging Pangulo ng Sangguniang Kabataan sa Ilocos Norte.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na naganap ang insidente bandang alas-5 ng umaga habang ang biktima ay lulan ng motorsiklo kung saan sumalpok ito sa concrete barrier sa national highway ng Barangay Buyon. Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktimang naka-helmet at nasunog pa ang motorsiklo nito.
Sinasabing bigla umanong huminto ang sinusundang truck kaya iniwasan ng biktima subalit nawalan naman ng kontrol sa motorsiklo saka bumangga sa concrete barrier.
- Latest