Total gun ban ipinatupad sa Metro Manila dahil sa APEC

MANILA, Philippines – Ipapatupad ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang total gun ban sa Metro Manila kaugnay sa apat na araw na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Chief Inspector Kimberly Molitas na ang total gun ban ay ipapatupad simula Nobyembre 16 hanggang 20 sa buong Metro Manila.

Ang naturang hakba­ngin ay upang  ma­panatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang mga insidente habang nagaganap ang apat na araw na APEC Summit sa bansa.

Nilinaw din ni Molitas,  na wala namang idineklarang “no rally zone” at malaya naman aniyang makakapag-rally ang sinumang grupo,   basta may permit na ibibigay ang mga local na pamahalaan.

Show comments