Katiwalian sa kaban ng bayan sugpuin-Baligod

MANILA, Philippines - Nagpasya si Atty. Levi Baligod, ang pangunahing abogado ng mga whistleblower sa kontrobersiyal na multi-billion pork barrel scam na sumabak sa senatorial race para sa May 2016 elections ay upang pangunahan ang kampanya laban sa katiwalian na nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ginawa ng batikang anti-corruption lawyer ang pahayag sa isang sorpresang birthday party na inihanda ng kanyang mga tagasuporta kasabay na ring nang paglulunsad ng Atty. Levi Baligod for Senator Movement sa Tejeros Hall ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers Club (AFP-COC), Camp Aguinaldo, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Baligod na base sa kanyang pagsasaliksik, aabot sa P500 bilyon ang halaga nang naibubulsa o nakukumlibat ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno kung saan may ilang pribadong indibidwal din ang kasabwat sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Binigyang-diin ni Baligod na ang isa sa pinakamalalang uri korapsyon na nangyari sa pamahalaan ay nag-uugat sa pork barrel fund system, na naunang idineklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional.

“Kung masinop lamang natin itong gagamitin, puwedeng-puwede natin na bigyan ng dalawang sakong bigas ang bawat pamilya sa isang buwan sa loob ng isang taon at hindi natin mauubos ang P500 bilyon. Hindi rin natin kayang ubusin ang nasabing pondo kahit gawin natin na iskolar ang bawat estudyante mula Grade 1 hanggang 4th year college,” wika ni Baligod.

 

Show comments