Tsismis na ititigil pinabulaanan... 4Ps itutuloy ni Binay
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang kumakalat na tsismis na ang tinatarget ay ang mga benepisaryo ng Conditional Cash Transfer program na ititigil na ito sakaling manalong pangulo ng bansa sa 2016.
Sinabi ni Atty. Rico Quicho, Vice President’s spokesperson for political concerns na hindi lang sa Leyte sila nakatanggap ng tsismis kundi maging sa Bicol, Western Visayas, at Central Mindanao na ang tinarget ang mga CCT beneficiaries.
Binigyang katiyakan ni Quicho ang mga residente ng Leyte na itutuloy ng Bise Presidente ang programa na mas kilala sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon pa kay Quicho, na nangako ang Bise Presidente na aayusin ang sistema ng programa para sa mga mahihirap sa pamamagitan ng 4Ps upang maiwasan ang mga ilang pangyayari tulad sa hindi pagbabayad at kulang na bayad sa mga benepisaryo at doble ang pangalan sa listahan.
Batay sa 2014 Consolidated Audit Report on Official Development Assistance (ODA) Programs and Projects na inilabas noong Setyembre 4, na nakita ng Commission on Audit ang ilang mali tulad ng listahan ng mga benepisaryo, pamamahagi ng gridlocks, non-receipt o underpayments at hindi nakatugon sa requirements.
Nangako din si Binay na ang 4Ps ay matatanggap ng mga tao na tunay na nangangailangan at maiwasan na magamit sa pulitika.
Idinagdag pa ni Binay na dadagdagan pa ang pondo ng CCT program para sa mga health centers at hospitals at pagbili ng murang gamot.
Idinagdag pa ni Quicho na laging lumalabas ang nasabing tsismis sa mga lugar na pinupuntahan ng Bise Presidente na ginagamit ng mga kalaban sa pulitika.
- Latest