Tandem dedo sa trak

MANILA, Philippines – Namatay ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos na salpukin ng isang dump truck kamakalawa sa kahabaan ng national road ng Brgy. Cudog, Lagawe, Ifugao.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mhorvelle Dinag-a Buyaco, 18, driver ng kulay pulang Red Rusi motorcycle na walang plaka, at ang angkas nitong si Analyn Binwag, 24.

 Batay sa report ng Cordillera Police, bago nangyari ang aksidente bandang alas-10:00 ng umaga ay binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng national road  nang mabangga sila ng ng dump truck (PHA-744) na minamaneho ni John Mark Hangdaan, 24.

Sa lakas ng pagkakabangga ay malubhang nasugatan ang mga biktima na kapwa binawian ng buhay sa insidente.

Show comments