30k security forces sa APEC Summit
MANILA, Philippines – Naglaan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ng tatlumpong libong security forces na mangangalaga sa seguridad ng 21 lider ng mga bansa at mga delegado upang matiyak ang ‘zero incident’ habang ipatutupad rin ang no fly zone sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Roxas Boulevard, Pasay City na gaganapan ng Asia Pacific Cooperation (APEC) Summit umpisa Nobyembre 17-20.
Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na 21 beses na mas malaki pa sa preparasyon ng seguridad sa APEC sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis noong Enero ng taon ring ito.
Sa panig naman ni Col. Vic Tomas, Deputy Commander ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) na handang-handa na ang AFP na suportahan ang PNP para tiyakin ang kaligtasan at katahimikan sa panahong idinaraos ang APEC Summit.
- Latest