MANILA, Philippines – Dahil umano sa kawalan ng aksyon ng pamahalaang Aquino sa insidente ng tanim-bala sa NAIA ay nagbanta ang grupong Migrante na ay isasagot nila dito ang laglag-boto sa pambato ng administrasyon na sina LP standard bearer Mar Roxas at runningmate nitong si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Pero sinagot ito ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi natatakot ang Malacañang sa banta ng ilang sektor na laglag-boto dahil nasa isang bansang demokratiko ang Pilipinas kaya malaya ang sinuman na pumili ng nais nilang iboto sa darating na 2016 elections.
Ayon kay Lacierda, inatasan na ni Pangulong Aquino si DOTC Sec. Jun Abaya na beripikahin ang mga ulat na tanim-bala incident sa NAIA at gumawa ng mga hakbang upang malutas kaagad ito.