Ex-mayor ng Albay, 1 pa kulong ng 8 taon sa graft
MANILA, Philippines – Walong taon na pagkakulong ang inihatol ng Sandiganbayan kina dating Camalig, Albay Mayor Paz Muñoz at municipal engineer Rene Ortonio matapos mapatunayang guilty sa kasong graft na may kinalaman sa maanomalyang maintenance contracts ng limang service vehicles noong taong 2003.
Ang kaso ay nag-ugat mula sa 2003 Annual Audit Report of the Commission on Audit (COA) na ang lahat ng repairs kasama na ang vehicle carwash sa Legazpi Tireworld Corporation ay nabayaran ng P447,027.53.
Dito ay nakita ng COA ang mga iregularidad tulad ng kawalan ng pre-at post-inspection reports at tamang canvass para sa repairs ng mga sasakyan, nagkaroon ng undated requests sa bids; at sa submission ng bids.
Hindi pinaniwalaan ng graft court ang depensa ni Muñoz na ang nangyari ay isang honest mistake dahil sa dami ng kanyang trabaho.
Bukod sa kulong, hindi na rin sila pinapayagan na makapagtrabaho sa alinmang posisyon sa tanggapan ng gobyerno.
- Latest