1 patay, 6 sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines – Patay ang 28-anyos na driver habang sugatan ang anim na pasahero nito matapos sumalpok  sa poste ng kuryente ang sinakyan nilang Honda City Sedan kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Marvin Pastrana Aldan ng #2376 Singalong Street sa Malate, Manila.

Sugatan naman ang mga  pasaherong sina Charlemagne Young Linga, 22; Raymon Acosta Mendoza, 23; Jeffrey Militar Quitara, 22; Angeliza Guiao Salazar, 28; Angel Guiao Salazar, 19; at si Valcerio III Guiao Salazar na pawang magkakamag-anak.

Ayon kay SPO2 Ricky P. Murillo ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente bandang ala-una  ng madaling araw sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa nasabing lungsod.

Nabatid na sakay ang mga biktima sa Honda City Sedan (ZNF-556) na minamaneho ni Aldan nang sumalpok sa gutter kung saan nagpaikut-ikot saka bumangga sa poste ng kuryente.

Show comments