Sa kaso ng maritime dispute... UN Arbitral Tribunal pumabor sa Pinas vs China
MANILA, Philippines – Pinaboran ang Pilipinas ng United Nations (UN) Arbitral Tribunal na mayroong hurisdiksyon sa paghawak sa kaso ng “maritime dispute” sa pagitan ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa unanimous decision ng UN Tribunal panel kahapon, maaaring magsagawa ng mga pagdinig ang Tribunal sa isinampang reklamo ng Pilipinas laban sa China sa ilalim ng probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang maayos ang patuloy na iringan ng mga bansa sa WPS.
Ang panel ay pinamumunuan ni Judge Thomas A. Mensah ng Ghana bilang Pangulo ng Tribunal habang ang mga miyembro ay sina Judges Jean-Pierre Cot (France, Stanislaw Pawlak (Poland), Rüdiger Wolfrum (Germany), at Prof. Alfred Soons (Netherlands).
Sa 9-pahinang press release na ipinalabas ng Permanent Court of Arbitration kaugnay sa PH vs China arbitration, nilinaw na ang dispute ay hindi sa usapin sa soberenya na gaya ng iginigiit ng China.
Bunsod nito, ang panel ay nag-conclude na mayroon itong hurisdiksyon sa nasabing kaso.
Sinabi rin ng Tribunal na ang desisyon ng China na hindi magpartisipa sa proceedings o paglilitis ay hindi makakaapekto sa Tribunal sa hurisdiksyon nito at ang desisyon naman ng Pilipinas na isulong at simulan ang arbitration ay hindi pag-abuso sa pamamaraan ng “dispute settlement” ng Convention.
Ayon sa Department of Foreign Affairs at Solicitor General, bukas sila sa naging ruling ng UN Tribunal.
- Latest