Mag-ate ni-rape ng ama at kuya

MANILA, Philippines - Mistulang binagsakan ng la­ngit at lupa ang isang 42-anyos na ginang nang matuklasan na ang mister niya at anak na binatilyo ang gumahasa sa dalawa nitong anak na babae na nagsimula pa noong nakalipas na buwan.

Ang mag-ama na dinakip at nakakulong na ngayon sa MPD-Station 11 ay kinilalang sina Paquito Abrigo, 43 at anak nitong 15-anyos na binatilyo na kapwa residente ng Area H, Gate  52,  Parola Compound, Binondo, Maynila.

Sa pahayag sa pulisya ng mag-ate na itinago sa pangalang Jen, 13 at Jill, 10 na sila ay huling ginahasa noong Martes bagama’t nag-umpisa ito noon pang Setyembre na hindi nila agad maipagtapat sa ina dahil sa takot sa ama at kuya.

Natuklasan lang ito nang maikuwento ito ni Jen sa isang kaibigan na siya namang nagsabi sa ina.

Si Jen ay 3 ulit nang ginahasa habang si Jill naman ay isang beses pa lamang ginahasa ng kanilang ama subalit ang kuya niya diumano ay maraming beses na.

Dakong alas-4:00 ng hapon nang damputin ang mag-ama at umamin sa barangay ang binatil­yong anak ng panghahalay sa kanyang mga kapatid dahil ginaya niya ang napapanood sa internet ng mga pagtatalik ng babae at lalaki.

Show comments