^

Police Metro

4 nakipaglibing todas sa bangga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang apat katao na nakipaglibing habang mahigit 20 ang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa barandilya sa kahabaan ng Purok Mauswagon, Brgy. Poblacion, Tagum-Mati Highway, Maco, Compostela Valley kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang tatlo sa mga nasawi na sina Elizabeth at Ronald Orallo, Perfecto Baquino. Habang dinala sa Davao Regional Medical Center ang nasa 20 sugatan.

Sa imbestigasyon, bago naitala ang insidente bandang alas-6:10 ng gabi sa kahabaan ng nasabing highway ay pauwi na ang mga biktima na pawang residente ng Brgy. Maniki, Kapalong, Davao del Norte  galing beach resort matapos na dumalo sa libing  ng isa nilang kaibigan  sa bayan ng Mabini nang maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney (LVH 470) na minamaneho ni Diego Raveno.

Sa lakas ng pagkakabangga nito sa barandilya sa tagiliran ng highway ay tumilapon ang mga sakay na nasa ibabaw ng jeepney.

 

 

vuukle comment

ANG

BRGY

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO

DAVAO REGIONAL MEDICAL CENTER

DIEGO RAVENO

HABANG

PERFECTO BAQUINO

PUROK MAUSWAGON

RONALD ORALLO

TAGUM-MATI HIGHWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with