^

Police Metro

Bong hindi pinayagang makadalo sa debut ng anak

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng prosekusyon ang kahili­ngan ni detained Senator Bong Revilla  na makapunta sa pagdiriwang ng 18th birthday party ng anak nitong babae sa Sabado ng gabi, October 24, 2015.

Batay sa mosyon ni Revilla na upang  maisagawa ang obligasyon bilang ama ay humihingi ito ng tatlong oras mula alas-7:00 ng gabi hanggang alas-10:00 para makadalo sa debut ng anak na si Ma. Fraznel Loudette Bautista sa Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa.

Sa pagbusisi ng Sandiganbayan First Division sa mosyon ni Revilla ay sinabi ni lead prosecutor Joefferson Toribio na hindi dapat payagan ang hiling ng Senador dahil sa kakulangan ng merito.

Kapag pinagbigyan umano ang gusto ni Revilla ay lilikha lamang ito ng haka-haka sa publiko na mayroong bilanggo na  pinapaboran dahil sa isa itong mambabatas.

 

ACIRC

ALABANG

BATAY

BELLEVUE HOTEL

FRAZNEL LOUDETTE BAUTISTA

IBINASURA

JOEFFERSON TORIBIO

KAPAG

REVILLA

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

SENATOR BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with