MANILA, Philippines - Simula sa Nobyembre 1 ay huhulihin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police, Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang lahat ng ambulant vendors at mangangaroling sa kahabaan ng EDSA.
Sa ginanap na pagpupulong ng MMDA, PNP-HPG at local government units ay napagkasunduan ang mahigpit na pagbabawal sa mga ambulant vendor, tulad ng mga nagtitinda ng sigarilyo, kendi, dyaryo, pagkain at kung anu-ano pa ay huhulihin at kukumpiskahin ang kanilang mga paninda.
Bukod sa vendors ay huhulihin din ang mga magka-carolling sa kahabaan ng EDSA na inaasahang maraming mangangaroling sa mga mototorista lalo’t nalalapit na ang Kapaskuhan.
Ayon sa MMDA, matagal ng ipinagbabawal na magtinda o mag-carolling sa mga highways lalu na sa EDSA, dahil sa magiging dulot ito ng peligro sa kanilang buhay.