Taksil na misis, dinedo ni mister

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang sariling misis na mahimbing na natutulog nang mabalitaan na pinagtataksilan siya nito naganap sa loob ng kanilang bahay sa Zamboanga City.

Ang nasawi ay kinilalang si Aireen Iskandal, nasa hustong gulang at tubong Olutangga, Zamboanga Sibugay. Habang tumakas ang  suspek na mister nito na si Abdenazrif  Iskandal ng Parang, Jolo, Sulu.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:20 ng umaga sa inuupahang kuwarto ng mag-asawa na matatagpuan sa Monal Apartment  sa Estrada Street sa Tetuan, Zamboanga City ay kasalukuyang natutulog ang misis nang ito ay barilin sa ulo at katawan ng mister.

Matapos mabaril  ang misis ay mabilis tumakas ang mister habang nagawa pang maisugod ng mga kapitbahay sa pagamutan ang una, subalit idineklarang dead on arrival.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang motibo umano ng krimen ay kaugnay ng sumbong ng pinsan ng suspek na si Kimhar Piddih,  27 na pinagtataksilan siya ng una na agad nitong pinaniniwalaan na hindi man lang tinanong ang misis.

Show comments