130 presidential bets magiging 5 na lang
MANILA, Philippines - Magiging lima na lamang ang presidential candidates mula sa 130 na naghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) para sa 2016 elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mula sa mga naghain na 130 ay isasailalim nila ang 125 na kandidato sa serye ng hearings para malaman at mapagdesisyunan kung puwede silang tumakbo sa susunod na taon.
Inihain mismo ng Comelec Law Department ang disqualification case laban sa 125 candidates na naghain ng CoC mula October 12 hanggang 16.
Kapag hindi lulusot sa hearing ng Comelec ang mga kandidato ay agad silang idedeklara bilang nuisance candidates.
Sa ngayon ay sina Vice President Jejomar Binay, Senator Grace Poe, Senator Miriam Defensor Santiago at Manuel Roxas II ang nangunguna sa mga presidential bets.
Bukod dito ay bubusisiin din ng Comelec ang CoC ng 19 kandidato sa pagka-bise presidente habang 172 sa pagka-senador at ilalabas ang buong listahan ng lehitimong kandidato ay sa Disyembre 10.
- Latest