29 kalsada sa Cordillera, Region 2 at 3, sarado

MANILA, Philippines - Umaabot sa 29 kalsada sa Cordillera, Region 2 at 3 ang sarado bunsod ng mga landslide, natumbang mga puno at poste at pagbaha dahil sa paghagupit ng bagyong Lando.

Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways na 8 kalsada a sa CAR, 7  sa Region 2 at 14  sa Region 3.

Sa Cordillera, hindi makakadaan ang alinmang uri ng mga sasakyan dahil sa landslide ang ilang road Section ng Conner-Kabugao Road, Claveria Calanasan Road Mapalong Section, Benguet-Nueva Viscaya Road Pakak Section, Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road, Banaue-Mayoyao-Aguinaldo-Isabela Road, Junction ng Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road, Pinukpuk-Abbut Road at Kennon Road.

Sa Region 2, hindi rin muna madaraanan ang Cabagan -Sta. Maria Road, Junction Abbag-Guingin Boundary Road, Junction Victoria-Madella-Kasibu, Itawes Overflow Bridge sa Cagayan Apayao Road Section, Tawi Overflow Bridge sa provincial road ng Penablanca, Cagayan at Aritao-Quirino Road.
Sa Region 3, hindi makakadaan ang alinmang uri ng mga sasakyan ang ilang bahagi ng mga sumusunod na kalsada: Baler-Casiguran Road, Dinadiawan-Madella Road, Nueva Ecija-Aurora Road, Alfonso-Castañeda-Maria Aurora-San Luis Road, Daang Maharlika Road, Sta. Rita-Camias Old Road, Labi Bridge, Tablang-Gabaldon Road, Nueva Ecija-Aurora Road, Daang Maharlika Road, Gapan - San Fernando-Olongapo Road, Tarlac-Sta. Rosa Road, Paniqui-Ramos Road.

 

Show comments