Napeñas tumakbong senador

MANILA, Philippines – Pormal na naghain kahapon si dating PNP-SAF Chief Getulio Napeñas ng kanyang COC sa Commission on Elections office, Intramuros, Manila para tumakbong senador sa ilalim tiket ng United Nationa­list Alliance (UNA).

Ayon kay Napeñas na isa sa dahilan kaya siya tumakbo ay para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 44 SAF commandos sa isang police operation sa Mamasapano, Maguindanao na kanyang pinamunuan noong  Jan. 25.

Nais din nitong ipagpatuloy ang adhikain ang  panatalihin ang katahimikan ng sambayanang Pilipino.

Si Napeñas ay sinibak sa puwesto dalawang araw matapos ang SAF operation at makalipas ang 40 taon na pagseserbisyo bilang pulis ay nagretiro ito noong Hulyo. 

Nirerespeto naman ng PNP ang pagtakbo ni Napeñas dahil  bawat Pilipino kabilang ang mga pulis  ay may karapatang tumakbo sa eleksyon gayundin ang karapatang makapamili ng kanyang ibobotong kandidato.

Show comments