^

Police Metro

8 pa tatakbong pangulo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalawang araw na paghahain ng certificate of candidacy ay nadagdagan pa ng walong nuisance  candidate na tatakbo sa pagkapangulo.

Sa listahan ng  Commission on Elections (Comelec), nadagdag sina Marita Arilla,  Cornelio Sadsad Jr.,  Alfredo Tindugan, Bertrand Winstanley, Romeo John Ygonia, Virgilio Yeban, Benjamin Rivera at   Juanito Luna.

Isang  magsasaka si Alfredo Tindungan, ng Holy Spirit, QC; at ang kanyang  running mate ay si Angelito Baluga, 54, na ipinanganak sa  Cagayan Valley ngunit naninirahan sa Quezon City at divine government ang nais nilang manaig sa bansa.

Ang volunteer missionary na si Romeo John Ygonia ay ipinagmalaki na siya ang ‘chosen one’  at pinili raw siya ni Hesu Kristo para maging pangulo ng Pilipinas, ang mundo aniya ay hindi maliligtas kung wala ang Panginoon.

 Ngunit sa kabila ng kanyang pahayag ay tinatawag din niya ang kanyang sarili na si “Archangel Lucifer”.

Absolute monarchy naman ang campaign slogan ng nagpakilalang si Marita Arilla, na matapos na maghain ng COC bilang kandidato sa pagka-presidente at pangako na kapag nahalal na Pangulo ay  aalisin niya ang lehis­lasyon dahil ang mandato lamang daw na dapat ipatupad sa bansa ay ang mula sa Panginoon.

Magugunita na sa unang araw ng paghahain ng COC ay umabot sa 22 ang tatakbong pangulo.

ALFREDO TINDUGAN

ALFREDO TINDUNGAN

ANG

ANGELITO BALUGA

ARCHANGEL LUCIFER

BENJAMIN RIVERA

BERTRAND WINSTANLEY

CAGAYAN VALLEY

MARITA ARILLA

NBSP

ROMEO JOHN YGONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with