Guia vs Zamora sa San Juan

MANILA, Philippines - Maglalaban sa pag-alkalde ng San Juan City sina incumbent Mayor Guia Gomez at si Vice Mayor Francis Zamora.

Naghain kahapon si Zamora ng kanyang kandidatura sa lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang lungsod para harapin si Gomez.

Una nang idineklara noong nakaraang linggo ni Zamora ang pagtakbo sa pagka-alkalde upang matuldukan na ang 46-taong paghawak ng mga Estrada sa lungsod ng San Juan.

Show comments