Leni lalabanan ang kagutuman at kahirapan

MANILA, Philippines - Nakikita ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo ang posisyon bilang pagkakataon na matutukan niya ang mga adbokasiya na kailangan ng agarang atensiyon.

Maliban sa pagsusulong ng malawak na kaunlaran, nangako rin si Robredo na lalalaban ang kagutuman, kahirapan at iaangat ang kalagayan ng mahihirap na magsasaka.

“Nang lumitaw iyong pangalan ko, noong una, sa akin parang biro kasi napakalaki ng posisyon para sa akin, sa nagsisimulang gaya ko,” wika ni Robredo.

Nangako si Robredo na tututukan ang mahahalagang isyu ng lipunan, lalo na ang kahirapan.

Show comments