^

Police Metro

Puwersa ng PNP sa Sibugay, dinagdagan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdagdag ng pu­wersa ang Philippine National Police (PNP) ng elite units kasunod ng ambush slay sa isang alkalde na ikinasugat rin ng anim na iba pa kamakalawa  sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, nais niyang masiguro ang pag-iral ng peace and order sa Tungawan matapos na mabahiran ng dugo ang pagsusumite ng COC kaya iniutos ang deployment ng karagdagang elite units ng PNP.

Magugunita na bandang alas-3:50  ng hapon  nitong Lunes  nang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang  sinasakyang pick-up service SKH 202 ng mga biktima sa highway ng Brgy. Ca­yamcam, Tungawan, Zamboanga Sibugay at dito ay napaslang si Tungawan Mayor Randy Climaco habang sugatan naman sina Vice Mayor Abison Abduraok, driver ni Climaco na si Charlie dela Cruz, Brgy. Chairman Ernesto Segualan, mga escorts na sina Fortunato Mangubat, Carlnan Climaco  at Jembot Recalde.

Ang insidente ay naganap matapos na magsumite ng certificate of candidacy (COC) si Climaco para sa pagtakbo naman nitong bise alkalde sa kanilang bayan  habang pabalik na ang mga ito sa Brgy. Pob­lacion, Tungawan.

ACIRC

ANG

BRGY

CARLNAN CLIMACO

CHAIRMAN ERNESTO

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

CLIMACO

FORTUNATO MANGUBAT

NBSP

TUNGAWAN

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with