^

Police Metro

2 traders tiklo sa ‘hot meat’

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kalaboso ang dalawang negosyante makaraang makumpiskahan ng dalawang inahing baboy na namatay sa sakit at tangkang katayin para ipagbili sa mga palengke sa Barangay Pritil, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A.10536 ang mga suspek na sina Rock De Guia, 55; at Rolando Layug na kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Base sa ulat ni P/Senior Insp. Francisco Rodriguez ng Guiguinto PNP, dakong alas-8:30 ng gabi nang makatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa nakatakdang pagkatay sa dalawang inahing baboy na sinasabing namatay sa sakit.

Nakatakda ring ihalo sa iba pang karne ng baboy ang kakataying dalawang inahing baboy saka ipagbibili sa kumpanya ng hotdog at iba pang prosesong pagkain.

Matapos na maberipika ang ulat ay kaagad na rumes­ponde ang mga operatiba ng pulisya kung saan nakatakda na sanang katayin ang dalawang baboy na ‘hot meat’.

Wala namang maipakitang kaukulang papeles ang dalawang suspek kaya kinumpiska at inaresto sila.

Kinumpirma naman ni Municipal Veterinarian Dr. Eduardo Jose na ang mga karne ng baboy ay hindi na maaring kainin kaya ipinag-utos na sunugin na lamang sa bakanteng lote.

ACIRC

ANG

BABOY

BARANGAY PRITIL

BULACAN

DR. EDUARDO JOSE

FRANCISCO RODRIGUEZ

GUIGUINTO

ROCK DE GUIA

ROLANDO LAYUG

SENIOR INSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with