DOH dapat maalarma sa paglobo ng dengue case
MANILA, Philippines - “Hindi dapat magpakampante ang Department of Health hangga’t hindi bumababa ang bilang ng nagkakaroon ng dengue”.
Ito ang inihayag ni Senator Nancy Binay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa na mula Enero 1 hanggang Setyembre 19 ngayong taon ay tumaas ng 23.5%.
“In nine months, the number of dengue cases in our country has ballooned to 92,807. The government should be alarmed by this number because while the health department says that deaths due to dengue have gone down, the fact is that there those who still die because of this illness,” pahayag ni Binay.
“Importante po ang kalusugan ng bawat mamamayan. Malaki po ang gastos ng pamilya kapag nagkakaroon ng sakit ang kahit isang miyembro nito. Sa hirap po ng buhay ngayon, hahayaan pa po ba nating magkasakit ang taumbayan kung pwede naman itong maiwasan?” dagdag ni Binay.
Magugunita na una nang naghain ng resolusyon si Binay upang hilingin sa Senado na imbestigahan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.Dapat anya na busisiin na ang isyu upang malaman ng taumbayan ang tunay na estado ng bayan pag dating sa sakit na dengue.
Samantala, nangako si Sen. Nancy maging ang kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay na magbibigay ng medical supplies katulad ng intravenous fluids at gamot para sa pagsugpo ng dengue sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.
- Latest