^

Police Metro

Leyte jail nasunog: 10 inmates natupok

Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang 10 preso dahil sa grabeng pagkasunog ng mga mukha at katawan nang masunog ang mga selda sa Eastern Visayas Penal Colony sa Abuyog, Leyte kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Inspector Catalino Landia, hepe ng Abuyog, Leyte Police, kahapon ng umaga nang matagpuan sa magkakaibang lugar ang 10 sunog na bangkay ng mga preso na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Lumalabas sa inis­yal na imbestigasyon na faulty electrical wiring ang sanhi ng pagsiklab ng apoy sa nasabing penal colony na nagsimula dakong alas-3:45 ng hapon at naapula dakong alas-11:00 ng gabi.

Umaabot sa 1, 256 ang preso sa piitan, su­balit sa headcount ay umabot na lang  ito sa 1,245.

Dinala na ang mga survivors sa medium security building ng nasabing penal colony na binubuo ng pitong gusali sa buong compound nito.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang naganap na sunog.

ABUYOG

ACIRC

ANG

AYON

DINALA

EASTERN VISAYAS PENAL COLONY

INSPECTOR CATALINO LANDIA

ISINASAILALIM

LEYTE

LEYTE POLICE

LUMALABAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with