^

Police Metro

Kapag nanalong pangulo si VP Binay... Mercado magtatago sa Switzerland

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon kahapon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang plano ni dating Makati Vice Mayor Mayor Ernesto Mercado na tumakas at humingi ng asylum sa Switzerland kung mahalal na presidente si Binay sa 2016.

“Ano ang meron sa Switzerland? Ang alam ng lahat, d’yan may mga bank accounts ang mga big-time grafters,” wika ni Atty. Rico Quicho, spokesperson for political affairs.

Sa Switzerland ay na-trace ng pamahalaan ang ill-gotten bank accounts ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang ito ay mapatalsik sa kapangyarihan noong 1986.

Noong Pebrero 2014 ay narekober ng pamahalaan ang Marcos Swiss accounts na umaabot sa P1.3 bilyon o US$29 million matapos lumabas ang desisyon ng  Singapore court na ang PNB ay ang may legal na titulo sa mga deposito.

Si Mercado ay nagigisa sa pagkakasangkot nito sa puganteng  Reyes brothers na sina dating Palawan Governor Joel at dating Coron Mayor Mario  matapos na lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ito ay nakikipag-ugnayan sa magkapatid habang nagtatago sa Thailand dahil sa kasong pagpatay kay Gerardo Ortega noong 2011.

Nagbigay ng reaksyon si Quicho kaugnay sa panibagong P3 bilyon plunder complaint laban kay Binay kaunay sa BSP-Alphaland deal na inihain nitong Martes, Oktubre 6.

Itinanggi ng kampo ni Binay ang panibagong akusasyon at sinabing si Mercado ang dapat na kasuhan dahil sa nakuhang personal na pakinabang nito sa Alphaland deal matapos na siya mismo ang nagsulong ng deal at kumuha ng kickback sa Alphaland na pinatotohanan ng isang  Atty. Mario Oreta, isang opisyal ng Alphaland.

vuukle comment

ALPHALAND

ANG

BINAY

CORON MAYOR MARIO

GERARDO ORTEGA

MAKATI VICE MAYOR MAYOR ERNESTO MERCADO

MARCOS SWISS

MARIO ORETA

NOONG PEBRERO

PALAWAN GOVERNOR JOEL

PANGULONG FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with