Drug peddler bulagta sa shootout

Sinusuri ng isa sa mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang duguang katawan ni Rodolfo “Bok” Bermudo na sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong mapatay ng pulisya sa inilatag na buy-bust ope­ration sa Barangay Kaypombo, bayan ng Sta.Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Boy Cruz

MANILA, Philippines – Napaslang ang sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong makipagbarilan sa mga o­peratiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Kaypombo, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng napatay na si Rodolfo “Bok” Bermudo, 40, ng El Pueblo Del Rio Subdivision sa nasabing barangay.

Naaresto naman ang anak nitong si Dave Jos­hua Bermudo, 18; at ang dalawang menor-de-edad na lalaki.

Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, sinalakay ng pulisya ang pinagkukutaan ni Bermudo matapos ang isinagawang buy-bust operation.

Nabatid na nakatunog si Bermudo sa operasyon ng pulisya kaya nakipagbarilan ito hanggang sa mapatay.

Narekober ang isang cal.38 revolver, siyam na plastic sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Si Bermudo ay sinasabing pangunahing suspek sa pamamaril sa isang pulis-Maynila may ilang buwan na ang nakalipas.

Show comments