Lalaki na labas-pasok sa kulungan, itinumba

MANILA, Philippines – Namatay ang isang lalaki na labas-pasok sa kulu­ngan sa kasong droga matapos na ito ay pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang nasawi ay kinilalang si Jose Saavedra,  35, ng  Block-8, Lot-5, Molave St., Barrio Santo Niño, Barangay 145 ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay nakaupo ang biktima nang sumulpot ang hindi pa kilalang suspek at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa record ng Pasay City Police at barangay, nabatid na ang biktima ay labas-pasok sa kulungan dahil sa kasong droga na kinasasangkutan nito.

Show comments