Mister dedo sa hambalos nd kawali ng misis

MANILA, Philippines - Napatay ng isang ginang sa sunud-sunod na hambalos nito ng kawali sa kanyang mister matapos magtalo sa gawaing bahay kamakalawa sa Baguio City.

Nasawi dahil sa internal hemorrhage sa ulo ang biktimang si Cyril Capis, 67, habang ang misis nito na si Caridad, 61 ay nahaharap sa kasong parricide.

Batay sa ulat bandang alas-5:15 ng umaga ay kagigising lamang ng mag-asawa nang magtalo ang mga ito sa mga gawaing bahay kung saan nasuntok sa panga ng mister ang misis.

Gumanti ang misis at nang mahagip ang kawali ay pinaghahambalos nito sa ulo ang mister na nawalan ng malaytao.

Kaya dinala ng mi­sis ang biktima sa Pines Doctors Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival sanhi ng internal hemorrhage.

Show comments