^

Police Metro

7 miyembro ng Ozamis Robbery Group natiklo sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pitong miyembro ng kilabot na Ozamis Robbery Group ang nadakip ng pinagsamang puwersa ng PDEA, PRO4A at Cavite PNP sa isinagawang Lambat Sibat Operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Tanzang Luma VI, Imus City ng lalawigan.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Noel Acalain alyas Navares, Dodong, 28, ng Brgy. Tanzang Luma VI; Erick Hechanova, 32, ng 529-B, Brgy. Ma­lagasang 1; Antonio Villanueva, alyas Bunso/Marco, 26; ng Villaguada, Brgy. Tanzang Luma VI; Michael Ted Cruz, alyas Ted, 33 ng  Villa Amparo Saroca Compound; Renante Bastasa, alyas Boyet, 34; Brgy. Bayan Luma IV; Jeremy Camo, 36, ng Villa Amparo Sarroca Compound., Brgy. Bayan Luma IV at Ricky Bulawan, 36, ng Brgy.  Tanzang Luma VI, pawang sa Imus City.

Batay sa ulat,  alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa lugar at  nahuli ang mga suspek sa isang bahay habang  nagsasagawa ng pot session at hindi na nanlaban.

Nasamsam ng pulisya ang 3.0 gramo ng shabu, mga paraphernalias, buy bust money at baril na cal .38 at 12 gauge shotgun  at iba’t ibang klase ng bala. Ayon sa pulis­ya na positibo silang mga miyembro ng  Ozamis Group ang mga suspek na siyang may pakana sa mga sunod- sunod na panghoholdap sa mga pawnshop at bangko sa lalawigan ng Cavite at karatig lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANTONIO VILLANUEVA

BAYAN LUMA

BRGY

CAVITE

ERICK HECHANOVA

IMUS CITY

JEREMY CAMO

MGA

NBSP

TANZANG LUMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with