MANILA, Philippines - Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na dalawang katao ang iniulat na nawawala sa pananalasa ng bagyong Jenny sa bansa.
Ang mga nawawalang biktima ay kinilalang sina Paharodin Tinggalong, 20;at Lacmodin Tinggalong, 16.
Nabatid na nangingisda ang mga biktima noong Biyernes sa isang ilog sa Brgy. Bulanit, Labangan, Zamboanga del Sur nang biglang rumagasa ang baha galing sa bundok sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulang dulot ng bagyo at nawasak ang sinasakyang bangka bunsod upang tangayin ang mga ito ng malakas na agos na magpahanggang ngayon ay patuloy pang pinaghahanap.
Sa tala ng NDRRMC, 378 pamilya na ang apektado ng pagbaha sa Negros Occidental partikular na sa mga lugar ng Himalayan City, Kabankalan City at Isabela.
Ang bagyong Jenny ay palabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong umaga.