Amasonang lider ng NPA, arestado
MANILA, Philippines – Arestado ang sinasabing amaso nang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos itong sitahin sa inilatag na checkpoint sa Barangay Poblacion, bayan ng Sibagat sa Agusan del Sur kamakalawa.
Sa ulat na isinumite kay Capt. Joe Patrick Martinez, hepe ng public affairs office ng 4th Infantry Division, kinilala ang suspek na si Rona Mae Callao, kalihim ng Guerilla Front 30A, at miyembro ng regional financial and medical ng North Eastern Mindanao Regional Committee sa Surigao del Sur.
Si Callao na itinuring na wanted dahil sa mga kasong robbery, multiple murder at frustrated murder ay naaresto sa bisa ng ilang warrant of arrest na inisyu ng mababang hukuman, ayon pa sa opisyal.
Nasamsam sa suspek ang isang cal.357 revolver na may mga bala, laptop, apat na cellphones, P2,200 cash, at mga subersibong dokumento na may intelligence value.
- Latest