LP sa senatoriables umabot sa 15

MANILA, Philippines - Umabot na sa 15 ang listahan ng pinagpipi­lian ng Liberal Party ng mga kandidato sa pagka-senador sa susunod na taon gayung 12 lang ang kinakailangan.

“Medyo masikip lahat, may mga 15 pangalan na nasa listahan at lahat po iyan ay talagang iniisa-isa namin para maiharap namin sa taumbayan ang mga pinakamagaling na linya dapat para sa Senado,” ani Senate President Franklin Drilon.

Ayon pa kay Drilon sa Setyembre 30 o sa susunod na linggo ang nakatakda sa kanilang timeline upang maging pinal ang listahan ng mga kandidato sa Senado.

Isa si Drilon sa muling kakandidatong senador sa ilalim ng LP kabilang na ang mga reeleksiyunistang sina Senators Ralph Recto at Teofisto Guingona.

Kabilang din sa inasa­hang kasama sa line-up sina dating Energy Secretary Jericho Petilla,  at da­ting senador Francis “Kiko” Pangilinan at maging si Justice Secretary Leila de Lima.

Show comments