Higit 3,000 Lumad lumikas

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 3,000 ang mga nagsilikas na katutubong Lumad na pansamantalang kinakanlong sa Surigao del Sur Sports Center sa Tandag City ng lalawigan.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga Region, nasa 3,227 katao mula sa 27 komunidad ng mga tribo o mga Lumad ang mga evacuees mula sa limang bayan ng Surigao del Sur.

Nabatid na ang nasabing mga katutubong Lumad na karamihan ay mula sa grupo ng mga Manobo ay nagsilikas matapos ang pag-atake ng Magahat Bagani Force noong Setyembre 1 ng taong ito sa Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur. Nanununog ang mga ito ng eskuwelahan, kabahayan at pinatay din ang tatlong lider ng mga katutubo na sina Emerito Samarca, Executive Director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Deve­lopment (ALCADEV); Dionel Campos, lider ng organisasyon ng Lumad  at pinsan nitong si Datu Juvillo.

Itinanggi naman ng Philippine Army ang paratang na nasa hit list ng AFP ang mga Lumad na  nakikisimpatiya sa New People’s Army (NPA) rebels na nagsusulong ng krusada kontra gobyerno.

Show comments